Tumayo ako nang bahagya, pero bago pa ako makapagsalita, biglang humarap si Enzo kay Devon, itinuro pa ako na para bang gamit lang.“Ah, that girl, she’s paid and tried to run away,” paliwanag ni Enzo, may halong pagmamayabang sa tono. “Akin na siya—”Pero hindi na niya natapos ang sasabihin. Sa isang iglap, mas hinigpitan ni Devon ang yakap niya sa akin, mahigpit pero protektado. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko, pero hindi dahil sa takot—kundi sa gulat.“I know her, Enzo,” malamig pero matatag na sabi ni Devon. “She’s my girlfriend. So how come you paid her?”Para akong napatulala. Girlfriend? Nilingon ko siya, at nagtagpo ang mga mata namin. Walang pag-aalinlangan sa mukha niya, kahit alam kong nagsisinungaling siya para iligtas ako.“G–Girlfriend mo siya?” halos utal na tanong ni Enzo, hindi makapaniwala. “Are you sure, Uncle?”Tumikhim si Devon, at marahan akong inilapit sa kaniya, para bang sinasadyang ipakita sa lahat na totoo ang sinabi niya.“I don’t repeat myself, Enzo,”
Read more