Napahinto ako at halos hindi makapagsalita sa nakikita. Mas malaki pa ito sa buong apartment na tinitirhan ko. May queen-size bed, soft lighting, balcony, sariling CR na parang hotel, at walk-in closet na puwedeng tirahan ng limang tao.“Ma’m…” nanginginig kong sabi. “Sigurado po kayo na para sa’kin ‘to?”“Of course,” sagot niya. “Fiancée ka ng anak ko. At isa pa, call me Mommy.”Tumingin ako kay Uno, na nakatayo sa pintuan, para lang makumpirma ko kung alam ng Mommy niya ang kontrata namin.“That’s just temporary kasi kapag mag-asawa na tayo ay sa iisang kuwarto na tayo matutulog.” sabay kindat ni Uno na kaagad ko namang naintindihan.“Exactly,” sagot ng Ginang na walang kamalay-malay ang dalawa na alam naman nito ang totoo, at para sa Ginang ay forever ang gusto niya para sa dalawa, hindi basta kontrata lang. “Oh siya, sige, kayo na muna rito at may aasikasuhin pa ako.”Iniwan kami saglit ng Mommy niya para tumawag sa wedding planner. At nang masara ang pinto, kaming dalawa na lang
Read more