"NARITO na pala kayo, saan kayo galing?" Salubong ni Zhila kina Jax at Kola nang puntahan nila ang mga ito kung saan sila magd-dinner. "Naglakad-lakad sa dalampasigan," ani Jax at tumingin kay Demus na tahimik lamang na nakaupo sa isang banda. "Masarap pa lang kasama at kakwentuhan itong si Kola, nag-enjoy ako," dagdag pa ng binata na tila inaasar ang kaibigan. Kita ni Kola kung paano tumalim ang mga mata ni Demus kay Jax na kung nakakamatay lamang ang titig ay bumagsak na ang huli. "Kola is really so charming, isn't she? Kaya bulag na lang ang lalaking hindi magkakagusto sa kaniya," Sabat naman ni Zhila na pasimpleng tinignan din si Demus at hinila si Kola patungo sa isang pwesto kung saan malapit lamang si Demus. "Okay, let's eat our dinner na!" Hindi komportable si Kola habang marahang kumakain. Para kasing nararamdaman niya ang mga pasibat na titig ni Demus sa kaniya kahit hindi siya nakatingin dito. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mg
Last Updated : 2025-09-06 Read more