HABANG naghihintay ng masasakyan si Kola ay palingon-lingon siya sa paligid. Baka kasi biglang lumusot si Demus at makita siya. "Hey, Kola." Kabado siyang napatingin sa sasakyang tumigil sa harapan niya, pero nawala ang kaba niya nang makita si Rain ang lulan n'on. "Rain?" Ngumiti ang babae at tinanong siya, "Saan ang punta mo?" "Pauwi na ako sa bahay," aniya. "I'll give you a ride na. Sakay na, Kola." "Ay, naku huwag na. Maghihintay na lang ako ng masasakyan." Siyempre nahihiya siya sa babae. "Huwag ka ng mahiya, Kola. C'mon." Tinulak nito pabukas ang pintuan sa front seat. Wala ng nagawa si Kola kung hindi pumayag na lang, lumingon muna siyang muli bago tuluyang lumulan sa sasakyan ni Rain. "Sigurado ka ihahatid mo ako sa amin?" Paninigurado ni Kola sa babae nang makasakay siya. Natawa si Rain at tumango. "Oo, wala naman akong ibang lakad. Galing kasi ako sa house ng cousin ko, but he's not home daw, pauwi na rin ako pero nakita kita." Napatango-tan
Last Updated : 2025-09-20 Read more