"IHAHATID ko na lang this week ang allowance ng dalawa at ang para sa'yo," ani Kola sa ina niya na kausap niya sa cellphone habang nakahiga siya sa kama. Okay naman na sila ng mama niya, kahit wala siyang sorry na natanggap ay kinausap pa rin niya ito. Wala, ganoon siguro talaga. "O sige. Huwag mo 'yang kakalimutan, ah? Kawawa ang mga kapatid mo." "Sige, ma." Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang ina ay dinampot niya sa bed-side table ang binili niyang pregnancy test, binili niya pagkagaling nila ni Demus sa bahay ampunan na pinuntahan nila, siyempre hindi niya ipinakita sa binata. Tahimik niyang pinagmasdan 'yon. Actually, hindi rin niya alam kung bakit bumili siya n'on, naisip niya lang bigla. Pero ngayong hawak na niya ay wala siyang lakas ng loob na gamitin 'yon dahil natatakot siya sa magiging resulta. Paano kung buntis nga siya, paano niya haharapin 'yon? Paano kung sasabihin niya kay Demus, ano ang magiging reaction nito? Natatakot siyang ipagtabuyan ng l
Last Updated : 2025-10-10 Read more