PAGPASOK ni Kola sa executive office ay nagulat siya dahil nadatnan niya sa loob sina Demus at Jax na matamang nag-uusap. Nagtataka siya dahil maagang naroon ang mga ito. Nang mamalayan ng dalawa ang presensya niya ay sabay pang tumingin ang mga ito. "Good morning and nice to see you again, Kola." Masayang bungad ni Jax sa dalaga. Nginitian ni Kola ang binata bago inilapag sa table ang mga dala niya. Napadako ang tingin ng dalaga kay Demus na walang kangiti-ngiti ang labi at malamig ang mga titig na ipinupukol nito sa kaniya. Aba? Bakit mukhang may nagawa na naman siyang kasalanan sa lalaking 'to? "Kola, I have something for you," ani Jax na kinuha ang isang paper bag na nasa mesa ni Demus, halatang pagkain ang laman n'on. Naglakad palapit si Jax kay Kola. "Hey, I thought that was for me?" Inis na sita ni Demus sa kaibigan. Nilingon ito ni Jax at nginisian. "Sorry, nagbago na ang isip ko. Kay Kola ko na lang pala ibibigay," nakakalokong wika ni Jax
Last Updated : 2025-09-28 Read more