KAPWA sila natigilan ni Paula nang pumasok sa kwarto sina Demus at Lawrence. May kung anong kakaiba sa ekspresyon ng bawat isa. "How are you, honey?" Pasimpleng nanlaki ang mga mata ni Kola sa bungad ni Demus, napakalambing ng tinig nito na tila isang nag-aalalang kasintahan sa kaniya. Alam ni Kola na naka-pretend mode na ito dahil ayun nga, alam ni Lawrence na magjowa sila. "Okay lang ako..." Lumapit si Demus at hinalikan siya sa noo. Natigalgal si Kola sa ginawa nito, nahagip ng mga mata niya ang pagtatagis ng bagang ni Lawrence habang nakatingin sa kanila. "If I knew you'd catch a fever from getting wet, I wouldn't have gone home after dropping you off. Sorry about that, honey." Gustong maubo ni Kola sa tinuran ni Demus, pero kailangan niya rin magpretend upang hindi sila mabuking ni Lawrence, kung hindi ay nakakahiya siya talaga sa pagpapanggap nila. Napansin din ni Kola si Paula sa sulok ng silid na tila tuwang tuwa silang pinapanood habang nagpapalipat
Last Updated : 2025-09-09 Read more