Chapter 117“So, anong plano mo kung tuluyang hindi kayo makilala ni Alessandro, Sol?” tanong ni Nene sa akin, mahina ngunit diretso, habang nakaupo siya sa tabi ko.Napatingin ako kay Alessandro, nakahiga pa rin, walang kamalay-malay sa mga pangyayaring patuloy na gumugulo sa paligid niya. Pinisil ko ang palad ko, pilit nilulunok ang kirot na bumabalot sa puso ko.“Maybe…” mahina kong sambit, halos pabulong, “…ito na ang panahon para mag-move on. Para ikabubuti ng lahat, Nene.”Napatitig siya sa akin, parang gusto pang magtanong, pero imbes ay ngumiti na lang at dahan-dahang tumango.“Kung ’yan ang gusto mo, susuportahan kita. Dahil kaibigan kita.”Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit, parang doon ko ibinuhos ang lahat ng bigat na matagal ko nang pinapasan.“Salamat, Nene… hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat kung wala ka.”Tahimik lang kaming dalawa sa ilang sandali, habang sa likod ng isip ko’y naglalaban ang dalawang boses—ang isa’y na
Última actualización : 2025-09-25 Leer más