Chapter 124Paglabas ko ng ospital, ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko, pero mas mabigat ang nasa isip ko—ang pangungulila kay Solidad at Julie. Handang-handa na akong sundan ang bakas nila, kahit saan pa man sila nagpunta.Ngunit bago pa ako makalayo, isang babae ang biglang humarang sa daraanan ko. Buntis siya, halatang malapit nang manganak, at may ngiting puno ng tuwa nang makita ako.“Alessandro, honey!” masaya niyang sambit, habang inilalapit ang kamay niya sa braso ko.Napatigil ako, napakunot ang noo. “Who are you?”Nagulat siya, pero mabilis na sumagot. “Honey, I’m your fiancée, Reinn.”Parang tumigil ang paligid. Reinn? Ang pangalang ilang ulit na umalingawngaw sa utak ko kahit wala akong malinaw na alaala. Ngunit ngayon, kahit anong pilit kong isipin, wala akong maaninag na larawan ng babaeng ito sa nakaraan ko.Umiling ako, umatras ng kaunti. “Baka nagkakamali ka lang, Mrs. I’m a married man.” Mariin kong sambit, ramdam ko ang tibok ng puso ko habang sinasabi iyon.Nanla
Last Updated : 2025-09-28 Read more