Chapter 100Lumabas ang unang slide sa projector—malinaw, makinis, at diretsong punto.“Ang unang direksyon ng kumpanyang ito,” panimula ko, “ay modern technology integration. Sa loob ng tatlong dekada, nanatili ang Villaceran & Co. sa tradisyunal na sistema. Pero kung hindi tayo sasabay sa mabilis na pagbabago ng mundo, maiiwan tayo.”I-click ko ang remote, lumabas ang graph ng operational efficiency.“Mag-iinvest tayo sa automation systems para sa production line, AI-driven software para sa data analysis, at mas malakas na cybersecurity. Hindi ito gastos—ito ay investment for long-term growth.”Napansin kong bahagyang nagtaas ng kilay ang CFO, pero hindi siya nagsalita. Ang matandang babae sa kabilang mesa naman, maingat na tumango.“Second,” dagdag ko habang nililipat ang slide, “bagong target na partnerships.”Lumabas ang logo ng dalawang kilalang international companies sa screen.“Ito ang mga kumpanyang nagpakita ng interes na makipagtulungan sa atin. Ang una, isang tech company
Last Updated : 2025-09-19 Read more