Chapter 200Hindi nagtagal ay agad kaming nakarating sa aking inupahan."Pasok ka muna!" Yaya ko dito. " Pasensya na kong maliit lang Ang naupahan ko pero balak ko na lumipat ng inupahan."Ngumiti si Lance habang paikot-ikot ang tingin sa loob ng maliit kong kwarto. “Wow, simple pero cozy ah,” sabi niya habang naupo sa gilid ng kama. “Bagay sa’yo, Julie. Fresh start, ika nga.”Napatawa ako. “Fresh start talaga, kahit na halos isang kama lang at maliit na lamesa ang meron dito.” Napailing ako sabay turo sa maliit kong lutuan. “Ayan, kung gusto mo ng kape, instant lang muna ha. Wala pa akong coffee maker.”“Tanggap ko na ‘yan, girl! Basta ikaw nagkape, siguradong matamis,” biro niya sabay kindat.“Loko ka talaga,” sabi ko habang natawa at nagtimpla ng dalawang tasa ng kape.Paglapit ko sa kanya, inabot ko ang tasa. “Alam mo, minsan naiisip ko… ang layo ng buhay ko ngayon kumpara noon. Pero mas gusto ko ‘to — simple, walang komplikasyon, walang dikta.”Tumango si Lance, seryoso ang mukha
Last Updated : 2025-11-01 Read more