Chapter 213 Pagbukas ng pinto ng dining area, bumungad sa amin ang mala-hotel na hapag — kumikintab na silverware, mamahaling wine, at ang bango ng steak na tumatama agad sa ilong. Medyo nanlamig ang kamay ko. Hindi ko alam kung mas kabado ako sa dinner… o sa titig ni Mr. Vellaceran. “Welcome home, Julie,” malambing na bati ni Mrs. Vellaceran. “At ikaw naman, Adrian, feel at home. Para ka na ring pamilya rito.” Ngumiti ako at bahagyang yumuko bilang paggalang. Ngunit bago pa kami makaupo, isang binata ang bumaba mula sa hagdan — medyo matangkad, medyo astig, may earphones pa sa leeg. “Akala ko joke lang ‘yung kasal na sinasabi ni Mom,” seryoso nitong sabi habang nakapamulsa. “Ate Julie, totoo ba ‘yon?” Medyo napalunok ako. So ito pala si Aldrich, sixteen years old at halatang matalino, prangka, at may halong pagiging overprotective kay Julie. Ngumiti si Julie. “Ahh… long story, Aldrich. Pero oo, si Adrian nga ang asawa ko.” Tiningnan ako ni Aldrich mula ulo hanggang paa, wal
Last Updated : 2025-11-07 Read more