Chapter 259Napabuntong-hininga ako nang malalim, halos manghina dahil sa sobrang kaba. Si Mom at Dad ay halatang nabunot ng tinik sa dibdib nila.“Akala ko kung ano na…” bulong ni Mom habang hawak pa rin ang braso ko.“Good. Let’s move fast,” seryosong sabi ni Dad. “Ayoko nang may kahit anong aberya pa.”Naglakad kami muli papunta sa boarding gate. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko—parang sasabog. Pakiramdam ko, bawat taong dumadaan sa paligid ay suspek, bawat anunsyo ay banta, bawat tingin ay nagbabadya ng panganib.Pero pilit kong pinatatag ang sarili ko. Kailangan.Paglapit namin sa gate, inabot ko ang boarding pass. Ngumiti ang staff at pinapasok na ako.“This is it…” mahina kong bulong, halos pabulong lang para sa sarili ko.Pagharap ko kina Mom at Dad, kumaway ako. Ngumiti sila, pero puno ng lungkot at takot ang mga mata.“Anak, ingat ka,” bulong ni Mommy, halos hindi na mapigilan ang luha.“We’ll message you once you’re safe. Go,” sabi ni Dad, matatag pero ramdam an
Last Updated : 2025-12-02 Read more