Chapter 256Pagkapasok namin sa loob ng mansyon ay halos hindi pa ako nakakaupo nang agad nagsalita si Dad—malalim ang boses, mabigat, parang pinag-isipan niya na nang matagal bago sabihin.“Julie, anak…” Hinawakan niya ang balikat ko, mahigpit pero puno ng takot. “Maybe you need to go abroad.”Parang biglang lumiit ang mundo ko.Abroad? Bakit? Ngayon?Nagpatuloy si Dad, mas seryoso, mas madiin.“Ayaw kong mapahamak ka dito. Ayaw kong madamay ka sa gulo ng mundo ni Zephaniah. Anak… ang mundong mafia ay hindi basta-basta.” Huminga siya nang malalim, kita ang pag-aalala sa bawat galaw. “You need to go abroad. Mas ligtas ka roon.”Parang nahigop ang lakas ko.Hindi ko alam kung matatawa ako, iiyak, o magagalit.“Dad…,” mahina kong sabi, halos pabulong.“Biglaan naman ata.”“Hindi ito biglaan, Julie.”Tiningnan niya ako sa mata, diretso, walang iwas.“Kanina lang, may putukan. Hinabol ka. Kung hindi bulletproof ang sasakyan mo… baka iba na ang nangyari.”Napalunok ako dahil totoo naman. R
Last Updated : 2025-11-30 Read more