Chapter 269"Mom, Bunso… don’t worry," wika ko, pinipigilan ang pag-alog ng boses ko. "Tanggap ko na ang lahat… na mag-asawa na kaming dalawa. At isa na akong Mrs. Cruz." Mataas-noo kong sabi, kahit ramdam kong kumakabog ang dibdib ko. Si Zeph naman ay tahimik lang na nakatayo sa gilid ko, pero ramdam ko ang presensya niyang parang proteksiyong bumabalot sa akin.Napakurap si Mommy, halatang hindi pa rin sanay marinig iyon."Mrs. Cruz…" mahinang ulit niya, parang tinatanggap pa rin ang bigat ng salita.Si Aldrich naman ay napahawak sa sinturon niya, nakataas ang kilay."Grabe, Ate… ibang level na talaga," he joked, pero halata sa boses ang pag-aalala. "Sigurado ka ba? As in sigurado?"Huminga ako nang malalim. "Oo, Bunso. Kahit gaano kagulo nangyari… Ito ang totoo."Sa tabi ko, bahagyang yumuko si Zeph na sang bihirang gesture mula sa isang lalaking halos hindi marunong magpakita ng emosyon."I will take care of her," sabi niya, malamig pero matigas, parang isang pangako na hindi pwed
Last Updated : 2025-12-08 Read more