Chapter 44 “Grandpa!” biglang sambit ni Alessandro sa taong kakarating lang. Kita sa mga mata niya ang tuwa na parang bata ulit. “Ang aga mong nagising,” dagdag pa niya, mahinahon ang tinig. Kaya tumalikod agad ako upang tapusin ang ginagawa ko. Ayaw kong makita pa ako ng lolo niya nang mas matagal, lalo na’t halata ang ayos kong pambahay. “Ah, you know naman, apo, na maaga akong nagigising. At isa pa…” tumigil sandali si Don Ernesto, at ramdam kong nakatuon na sa akin ang kanyang tingin. Pinilit kong ipagpatuloy ang paghiwa ng gulay, pero nang magsalita siya muli, parang tumigil ang oras. “Sinong binibini ito? Bakit ganyan ang kanyang suot? Kung nabubuhay pa ang lola mo, siguradong pinalo ka na.” Halos mahulog ang kutsilyo sa aking kamay. Hindi ko alam kung magpaliwanag ba ako, o hayaan na si Alessandro ang sumagot. Natahimik si Alessandro nang ilang segundo, bago siya marahang lumapit sa likuran ko. Naroon ang bigat ng kanyang presensya—mainit, nakakasakal. “She’s… mi
Last Updated : 2025-09-06 Read more