Chapter 212 Pagpasok namin sa loob, parang may malamig na kutsilyong bumaon sa dibdib ko. Si Mommy… umiiyak. Tahimik, pero durog. Hawak niya ang kamay ni Ate Julie, mahigpit, parang baka tuluyan itong mawala. Pero si Ate ay nakaupo siya sa kama. Diretso ang likod. Kalma. At walang emosyon ang mga mata. Hindi blangko. Hindi rin nalilito. Para siyang… nakatingin sa mga estranghero. “Ate?” maingat kong tawag. Walang sagot ni hindi man lang kumurap. Tumingin lang siya sa amin at kay Mommy, kay Zeph, sa akin na parang sinusuri kung sino kami. “Mommy…” basag ang boses ko. “Tawagin ko si Dad.” Agad kong kinuha ang phone at tinawagan si Dad, kasunod si Tito Jhovel. “Dad,” mabilis kong sabi, “gising na si Ate… pero may mali. Hindi niya tayo kilala.” Tahimik sa kabilang linya. Tapos isang mabigat na buntong-hininga. “Darating kami agad,” sagot niya. Ilang minuto lang, dumating sila—si Dad, si Tito Jhovel, at ang mga tauhan na agad nagsara ng paligid. Lumapit si Tito Jhovel ka
Last Updated : 2026-01-07 Read more