(MARIZ POV) Minsan iniisip ko, kung may award para sa pinaka-maingay na maid sa buong Maynila, malamang ako na ‘yon. Medyo nabubulabog ko na daw kasi itong tahimik na mansyong ito, grabe? dinaig ko na ba speaker nyan? Habang nagpipirito ako ng tuyo sa kusina, aba eh kumakanta pa ako ng theme song ng isang lumang telenovela na hindi ko naman masyadong kabisado. “ Kung ako na lang sana ang iyong minahal...” sabay kurot kay kawali dahil feeling ko partner ko siya sa duet. “Ay, Diyos ko, Mariz! Umaga pa lang, sakit na ng ulo ko!” sigaw ni Aling Berta habang pumipilipit ang ilong sa amoy ng tuyo. Napangisi ako. “Eh, Aling Berta, sabi nga nila, music is life. Baka sakaling lumambot ang ugat n’yo kung madalas kayong makinig ng magandang boses.” “Magandang boses?!” Halos mabasag ang sandok niya sa mesa. “Kung magandang boses ‘yan, edi sana sumikat ka na, hindi nandito nagpiprito ng tuyo!” Tumawa ako, hindi dahil napikon ako, kundi dahil sanay na ako sa mga banat niya. Deep inside, ala
Last Updated : 2025-08-20 Read more