(Gabriel's Pov)Akala ko, tama ang ginagawa ko. Akala ko, kapag lumayo ako, kapag pinalamig ko ang lahat, mawawala rin ang kung anong nararamdaman ko para sa kanya.Pero ngayong nakikita ko siya, nakangiti, tumatawa, kumikislap ang mga mata habang kausap ang isang lalaking hindi ko kilala, parang may kumurot sa dibdib ko. At hindi basta kurot. Para akong binugbog sa loob.Selos ba ‘to?O galit?O baka pareho?Hindi ko alam. Basta ang alam ko, ayoko siyang nakikitang gano’n, nakangiti sa iba, masaya sa piling ng ibang lalaki.Hindi na ako nakapagpigil, alam kong alam ni Mariz na pinagmamasdan ko sila pero patuloy parin siya sa pakikipagkulitan sa kababata niya.“Patrick, tama ba?” tanong ko, malamig ang tono kahit gustong-gusto kong ipakita na hindi ako apektado.“Opo, Sir,” sagot nung lalaki. “Kababata ni Mariz.”Kabataan. May pinagsamahan. May kasaysayan.Parang biglang lumabo ang paningin ko.
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-26 อ่านเพิ่มเติม