Tatlong taon na ang lumipas.Magaan ang simoy ng hangin sa malawak na hardin ng mansyon ni Gabriel.Ang araw ay marahang sumisilip sa pagitan ng mga dahon ng akasya, habang ang mga bulaklak ay kumikislap sa hamog ng umaga.Tahimik, payapa, at punô ng buhay, malayong-malayo sa dating mga gabi ng takot at luha.Isang batang babae, tatlong taong gulang, ang masayang tumatakbo sa damuhan.Nakangiti habang hinahabol ang paru-paro, walang kamalay-malay sa mga sugat na pinagdaanan ng mga magulang niya.Ang kanyang halakhak ay tila musika, umaalingawngaw sa bawat sulok ng dating malamig na mansyon.Sa ilalim ng punong akasya, nakaupo si Mariz, ang buhok ay hinahaplos ng hangin.Ang mga mata niya ay payapa, may ngiti ng isang babaeng sa wakas ay malaya na.Sa kanyang kandungan, nakapatong ang kamay, marahang hinihimas ang bahagyang umbok ng tiyan.Oo, buntis siyang muli. Ngunit ngayon, walang takot, walang pangamba, tanging pag-asa at tuwa na lamang.Lumapit si Gabriel, may dalang dalawang tas
Dernière mise à jour : 2025-10-13 Read More