Medyo nakaramdam na ako ng alinsangan sa yakapan namin ni Gabriel, pero hindi ko magawang itulak siya. Kahit pa ramdam ko na ang mabilis na tibok ng puso ko, kahit pa nanginginig na ang mga daliri kong nakahawak sa dibdib niya, hindi ko kayang lumayo.“Gabriel…” bulong ko, halos wala na akong boses.“Shhh…” inilapit niya ulit ang labi niya. “Don’t say anything. Just… stay with me.”At bago pa ako makasagot, hinalikan niya ulit ako, mas mapusok, mas mariin. Wala na yung lambing na parang panliligaw kanina, ito na yung halik ng isang lalaking hindi makapagpigil. At imbes na matakot, mas lalo akong nadadala.Napahawak ako sa batok niya, kusang gumanti. Ramdam ko ang init ng palad niya sa baywang ko, gumagapang paakyat, pababa, parang hindi alam kung saan hahawak. Hanggang sa maramdaman kong buhat na pala niya ako, at ako mismo ang kumapit ng mahigpit sa leeg niya.“G-Gabriel! Baka may makakita…” mahina kong protesta, pero hindi ko na nagawan
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-05 อ่านเพิ่มเติม