Share

CHAPTER 13

Author: kkyrieehale
last update Last Updated: 2025-08-21 19:28:14
(Gabriel’s POV)

Tahimik ang buong mansyon. Madaling araw na, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Mula kaninang matapos si Mariz maglinis ng library, hindi mawala sa isip ko ang eksena. Yung pagdulas niya, yung braso kong kusang kumilos para saluhin siya, at yung mga mata niyang nakatitig sa akin... innocent pero may something na hindi ko kayang ipaliwanag.

Damn.

Inis akong bumuntong-hininga, inilapag ang hawak kong baso ng whiskey sa side table. Ano bang nangyayari sa’kin? Hindi ako ganito. Hindi ako madaling ma-distract. I built this reputation, cold, untouchable, walang pake. Pero ngayon, isang simpleng maid lang, nagugulo na ako.

Naglakad ako palabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Tahimik ang hallway, pero paglapit ko sa kusina, may naulinigan akong mahinang pag-awit.

“…bato-bato sa langit… tamaan wag magalit…”

Napahinto ako.

Pagbukas ko ng ilaw sa kusina, nadatnan ko si Mariz, naka-duster lang, ang buhok naman niya nakapusod pero may ilang hiblang nakalugay, nakaupo sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 49

    Ang ingay ng paligid, pero sa tenga ko… para bang wala akong marinig. Tanging tibok ng puso ko lang ang malinaw. Mabilis. Magulo. Parang pinipilit kumawala.So, ito na pala ‘yun? Ito na pala yung big news na maririnig ko?Kaninang umaga pa ako kinakabahan, pero hindi ko inakalang ito pala ang dahilan. Ang sakit. Ang sakit na parang binuhusan ako ng kumukulong tubig at pinaso mula ulo hanggang talampakan.Ngumiti ako. Oo, ngumiti ako. Pero hindi ko alam kung paano ko nagawa. Ang bigat ng labi ko, para bang may kung anong nakakabit. Kahit pilit, kailangan kong magpanggap.Kailangan kong magpanggap.“Congrats, Sir Gabriel… Miss Clarisse.” Boses ko, bahagya pang nanginginig. Pinilit kong gawing masaya, parang tunay na pagbati.Nakita kong napalingon si Aling Berta sa akin, halatang nagulat sa sinabi ko. Si Ate Linda, parang gusto akong lapitan. Pero hindi ko sila pinansin. Hindi ako pwedeng magpahalatang durog na durog na ako.

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 48

    Ramdam ko ang kakaibang lamig ng hangin sa malaking hall ng mansyon habang isa-isang nagsidatingan ang mga kasamahan ko. Si Ate Linda, abala sa pag-aayos ng mga upuan, si Aling Berta naman panay ang kwento ng kung anu-anong chismis na narinig niya sa palengke. Si Gisiell, as usual, iritable na agad kahit wala pa man siyang pinagsasabihan.Ako? Tahimik lang.Pero sa loob-loob ko, hindi ko mapigilan ang kaba. Alam ko kung ano ang balak ni Gabriel ngayon. Kagabi pa lang, ramdam ko na ang desisyon niya, ibubunyag na niya ang tungkol sa amin. Sa harap ng lahat.Napakagat ako sa labi, sabay silip sa malalaking bintana ng hall. Ang sinag ng araw, tumatama sa mamahaling chandelier, kumikislap na parang nagsisigaw ng atensyon. Parang sinasabing, “Walang lihim na mananatiling lihim.”“Mariz, ano ba’t parang tulala ka diyan?” singit bigla ni Ate Linda, dala-dala ang clipboard.Napangiti ako ng pilit. “Wala naman po, Ate. Siguro… kinakabahan lang.”“Kinakabahan? Aba’t bakit naman? Eh hindi ikaw a

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 47

    Nagising ako na may kung anong mabigat na nakapatong sa bewang ko. Ramdam ko agad yung init ng hininga ni Gabriel sa batok ko. Napangiti ako, kahit na parang gusto kong magtago sa kumot sa hiya. Jusko, ilang gabi na ba? Pero bakit parang lagi akong kinikilig parang unang beses pa rin. “Good morning, sleepyhead.” bulong niya, mababa at husky ang boses niya na parang dumidiretso sa puso ko. Agad akong napapikit ng mariin. “K-kanina ka pa ba gising?.” tanong ko. “Yup” tipid na sagot nito, pinaningkitan ko siya ng mata at tinusok ang dulo ng ilong niya. “Bakit ang aga aga mong nagising?” tanong ko, nakangiti. Humagikhik siya, tapos hinalikan yung gilid ng tenga ko. “Kasi gusto kong makita yung mukha mo habang tulog ka. Ang cute mo sobra, hindi ka nakakapagod titigan.” “Yuck!” mabilis kong tinakpan ang mukha ko ng unan. Paano pala kung nakita niya na may tumutulong laway mula sa gilid ng bibig ko? yeekek! “Anong yuck? sinasanay ko na ang sarili ko kasi i know darating rin an

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 46

    Medyo nakaramdam na ako ng alinsangan sa yakapan namin ni Gabriel, pero hindi ko magawang itulak siya. Kahit pa ramdam ko na ang mabilis na tibok ng puso ko, kahit pa nanginginig na ang mga daliri kong nakahawak sa dibdib niya, hindi ko kayang lumayo.“Gabriel…” bulong ko, halos wala na akong boses.“Shhh…” inilapit niya ulit ang labi niya. “Don’t say anything. Just… stay with me.”At bago pa ako makasagot, hinalikan niya ulit ako, mas mapusok, mas mariin. Wala na yung lambing na parang panliligaw kanina, ito na yung halik ng isang lalaking hindi makapagpigil. At imbes na matakot, mas lalo akong nadadala.Napahawak ako sa batok niya, kusang gumanti. Ramdam ko ang init ng palad niya sa baywang ko, gumagapang paakyat, pababa, parang hindi alam kung saan hahawak. Hanggang sa maramdaman kong buhat na pala niya ako, at ako mismo ang kumapit ng mahigpit sa leeg niya.“G-Gabriel! Baka may makakita…” mahina kong protesta, pero hindi ko na nagawan

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 45

    (Mariz POV) Tahimik na ang buong mansyon, ibig sabihin ay tulog na ang lahat. at ako? eto gising na gising! parang pakiramdam ko e nasa loob ako ng oven. Kanina pa ako pabalik-balik sa kama. Nagpalit na ako ng maluwag na shirt, naghilamos, nag-toothbrush ulit kahit hindi naman kailangan. Naglagay pa ako ng powder sa mukha para makaramdam ng pag-ka-presko kaso waepek parin. Kahit anong gawin ko, hindi mawala yung init. Humiga ako, tumagilid, tapos bumangon ulit. Sobrang naiinis na ako, dahil antok na antok na talaga ako pero ayaw makisama ng katawan ko. Para akong may kasagupa sa loob ng katawan ko. Kahit pa naligo ako kanina, parang may kumukuryente pa rin sa balat ko. Huminga ako ng malalim. Nagpasya akong bumaba. Barefoot, dahan-dahan, halos gumapang para lang hindi magising si Aling Berta na parang may radar sa bawat ingay. Pababa ako ng hagdan, tapos diretso sa garden sa lik

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 44

    (Mariz POV) Mabilis na lumipas ang araw, mamaya ay makakabalik na ang lahat rito sa mansyon.. Hindi ko alam kung paano kikilos ng hindi kami nahahalata ni Gabriel, sa bagay kaya ko naman.. Si Gabriel kaya? "Ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?" nagulat ako ng yakapin ako ni Gabriel mula sa likod, abala ako sa pagluluto ng agahan. Binitiwan ko ang sandok at humarap sakaniya, ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya at nginitian siya. "Wala naman, baka namimiss kolang sila Ate Linda." sagot ko. Inilapit nito ang katawan sakin, hawak niya ako sa balakang, unti- unti nanamang lumalapit ang mukha niya at kakaunti nalang ay magdidikit na ang mga labi namin. "Mariz..." bulong nito. Grabeng hininga yan nakakahypnotize "Hmm?" tugon ko, naghihintay sa labi niya na dumampi saakin. "Can we... before they arrive?" parang may kung anong kuryente ang dumal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status