GABRIEL'S POV. Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Clarisse laban kay Mariz. Kung ibang tao siguro ang nakarinig, baka iisipin nilang normal lang ‘yon, kasi may mga taong mahilig manlait para lang mailabas ang inis nila, at makakuha ng simpatya. Bawat salitang lumabas sa bibig ni Clarisse kanina, parang punyal na gusto niyang ibaon kay Mariz. Hindi lang basta pang-iinsulto, kundi tahasang paninira ng pagkatao. At sa puntong ‘yon, doon ako napuno. Kaya ngayon, nagdesisyon na ako. Tama na. Hanggang dito na lang ang pananatili ni Clarisse sa Mansyon. Humugot ako ng malalim na hininga at nagbihis ng simpleng polo at pantalon bago bumaba. Pagdating ko sa dining area, nadatnan ko si Clarisse nakaupo na, maayos ang buhok, naka-makeup . Typical Clarisse, laging handa para sa “audience” niya. “H-hello, Gabe.” Lumitaw ang ngiting peke sa labi niya. Hindi ako ngumiti pabalik. Diretso akong umupo at binuksan ang tablet na dala ko, para hindi niya makita agad ang ten
Last Updated : 2025-09-15 Read more