MARIZ POV. Mabigat. Para bang may nakadagan sa dibdib ko, at ang bawat hinga ko ay parang dumaraan sa makitid na butas na halos hindi ko mahagilap. Dahan dahan kong minulay ang mata ko hanggang sa tuluyan ko ng makita ang liwanag ng kisame. Puting kisame, puting kurtina, malamig na simoy ng hangin mula sa aircon, at isang amoy na agad kong nakilala, amoy ng ospital. Napakurap ako ng ilang beses, sinusubukan alalahanin kung paano ako napunta rito. Huling natatandaan ko ay nakaupo ako sa dining table, nakaharap kay Gabriel at Liza, tapos… ang biglang paninikip ng dibdib ko, hanggang sa nahirapan na akong huminga, at ang malakas na kabog ng dibdib ko bago tuluyang nagdilim ang lahat. Dahan-dahan akong bumaling sa gilid, at doon agad sumalubong sa akin si Gabriel. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasubsob ang katawan, at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Namumula ang mga mata niya, halatang hindi nakatulog at ilang beses nang umiya
Last Updated : 2025-09-25 Read more