Kahit na sinabi ni Heaven na tomboy siya ay walang pakialam si Roman. Bagkus, mas naging papansin pa ito sa kaniya ngayon na para bang wala siyang sinabi tungkol sa sarili niyang identity. "Good morning, ihahatid na ba kita sa boutique?" tanong ni Roman nang sandaling iyon. Isang irap ang ibinigay ni Heaven kay Roman, "Ang akala ko ay nagbalik ka na sa Manila." "At bakit naman ako babalik ng Manila kung nandito ang mahal ko?" tanong ni Roman sa dalaga. "Hindi mo ba alam na mas nagustuhan kita ngayon kahit na sinabi mo pang tomboy ka?" Hindi napigilan ni Heaven ang pag-angat ng kaniyang kilay, "Hindi ko alam na makulit ka rin pala." "Hindi pangungulit ang tawag sa ginagawa ko," depensa ni Roman. "Ito ay tinatawag na panliligaw." Napairap si Heaven, "Manliligaw ka pa rin kahit na alam mong wala kang pag-asa?" tanong niya sa binata. "Who knows, baka bigla kang magkagusto sa lalaki? Tapos ako na ang maswerteng lalaki na iyon," confident na sabi ni Roman. "Huwag kang feelin
Read more