"Miss Maria Antoinette, you make wedding gowns and dresses pero hindi ko alam kung married ka na ba o hindi," sabi sa akin ng isa sa aking staff na nakadestino sa Baguio branch. Isang ngiti ang aking ibinigay, "Sabihin na lang nating medyo complicated ang aking lovelife kaya gusto kong manatiling pribado sana iyon." "Pero Miss Maria Antoinette, sayang ang iyong ganda kung hindi ka magpapakasal," giit ng aking tauhan. "Boyfriend ninyo naman po yata ang lalaking madalas ninyong kasama." Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko ang isang pamilyar na boses, "Mapapagalitan ka na naman ni Heaven dahil sa kadaldalan mo." Nangunot ang aking noo nang narinig ko ang tawag ni Roman sa aking kaibigan. Hindi ko alam kung kailan pa naging first name basis ang tawagan nila sa isa't isa. Isang nakakalokong ngiti na lang ang ibinigay niya sa akin nang nagsalubong ang aming paningin. "Sorry po, Miss Maria Antoinette kung sobrang daldal ko po," sabi agad ng aking tauhan. "Forgiven," sagot
Last Updated : 2025-12-27 Read more