Pinatunayan ni Roman kay Heaven na handa siyang magsimula muli sa kaniyang panliligaw. Hindi man iyon madali para sa kaniyang pride ay aminado siya na mas gusto niya iyon lalo na at nakikita na ng dalaga ang effort niya sa panliligaw. Hindi na rin siya ipinagtatabuyan ng nasabing dalaga. "Well, mukhang may progress ka na ngayon," sabi ni Kyle kay Roman. "At least, you figured it out bago pa man mahuli ang lahat." "Well, Jean Antoinette literally spelled everything out to me," sagot ni Roman. "Wala talaga akong ideya na ganoon ang nararamdaman ni Heaven noon. Sa pagkakaalam ko ay wala akong pinagsabihan ng nararamdaman ko noon para sa asawa mo." "Wala ka ngang pinagsabihan, but somehow, your own actions betrayed you," sabi ni Kyle sa binata. "You were so happy nang nakita mo siya." "Of course, masaya ako dahil nakita ko ang kaibigan ko," depensa ni Roman. "But I am sure na hindi iyon isang romantic happiness. I assure you that." "Alam ko iyon, kaya nga hindi ko napag-isipan n
Read more