Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na
Last Updated : 2026-01-05 Read more