Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin nakikita ni Heaven na tinatamaan si Roman sa beer na iniinom nila. Pakiramdam niya ay siya pa ang unang malalasing lalo na at napaparami na rin siya ng nainom. "Ang daya mo naman, parang hindi ka nalalasing ah," sambit ni Heaven nang nakita niyang ayos pa rin ang hitsura ni Roman. Isang ngiti ang ibinigay ni Roman sa dalaga, "Nakainom na rin ako. Sadyang mataas lang ang alcohol tolerance ko kung ikukumpara sa iyo." Naningkit ang mata ni Heaven, "Dinadaya mo lang yata ako eh." Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Roman, "Puwede mong amuyin ang hininga ko kung gusto mo." Bago pa man makapagsalita si Heaven ay nakita na lang niya si Roman na itinatapat ang sarili sa kaniyang ilong at bibig. Napalunok siya nang wala sa oras, lalo na nang nakita niya nang malapitan ang labi ni Roman. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang pisngi na hindi niya maintindihan. In a split second, nakita na niya ang kaniyang sarili na kahalikan ang bi
Read more