Pinag-isipan ni Connie ang mga sinabi ni Roman sa kaniya. Alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang possibility na iniisip ni Heaven na may ginawa ito noong bata pa ito sa kaniyang asawa para iwan sila nito. Masakit para kay Connie na balikan ang nakaraan, pero sa tingin niya ay iyon lang ang makakatulong sa dalaga upang maging mas bukas ito sa pag-ibig. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan bago pa man niya tinawagan ang anak. "Heaven, anak, puwede ka bang umuwi rito mamaya?" tanong niya sa anak sa isang seryosong tinig. "May problema po ba, Mama? Bakit parang seryoso ang tono ninyo?" sunod-sunod na tanong ni Heaven sa ina. "Wala, pero gusto lang talaga kitang makausap," sagot ni Connie. "Miss na kita eh." "Sige po, daan po ako riyan kapag wala na pong tao rito sa boutique," sambit ni Heaven. "Baka naman po magsara kami nang maaga." "Sige, hihintayin kita ah." "Opo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Connie pagkatapos ng tawag na iyon. Sa totoo la
อ่านเพิ่มเติม