Dahil na rin sa trabaho ay naging bihira ang pagkikita nina Roman at Heaven. Sa totoo lang ay hindi rin naman iyon nakikita ng dalaga bilang kakulangan sa parte ng binata dahil pareho silang nawawalan ng time para magkita nang personal. Isa pa, bumabawi naman si Roman sa pamamagitan ng video calls and messages na madalas nilang gawin gabi-gabi."Daig pa natin ang nasa long distance relationship ah," pabirong sambit ni Roman nang nakausap na niya sa video call ang dalaga."Ano ang magagawa natin eh pareho tayong busy sa trabaho," sagot ni Heaven. "Personal assistant ka ni Kyle kaya kung nasaan siya ay nandoon ka rin dapat."Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Roman, "Well, hindi ko rin naman inaasahan na bigla niya akong kakailanganin ngayon. Ang akala ko ay okay na siya sa isa niyang personal assistant.""Hindi mo rin naman siya masisisi kung kailangan ka niya ngayon. Afterall, mas alam mo kung ano ang preferences niya."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman, "I miss yo
Read more