Nang natapos ang event ay hinila na ni Roman si Heaven paalis sa venue. Hindi na niya kayang makita na may iba pang lalaki na attracted sa kaniyang girlfriend bukod sa kaniya. There is no way na hahayaan niya ang ibang lalaki na titigan ang kaniyang girlfriend mula ulo hanggang paa. Thankfully, hindi siya pinahirapan ni Heaven at sumama ito kaagad sa kaniya. "Gusto ko na lang tusukin mga mata ng lalaking tumitingin sa iyo kanina," sabi ni Roman sa dalaga habang nagmamaneho siya pauwi. "Hindi sila marunong makaramdam na taken ka na." "Well, hindi mo rin sila masisisi, ikaw nga mismo, attracted sa akin ngayong gabi eh," sagot ni Heaven sa isang nanunuksong tinig. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman. Hindi pa siya puwedeng magpadala sa panunukso ni Heaven dahil nasa daan sila nang sandaling iyon. "Kung alam mo lang na marami rin ang gustong magpapansin sa iyo kanina," sambit ni Heaven sa binata. "Baka hindi ka magtaka sa akin kunv bakit bigla akong naging possessive
Baca selengkapnya