Ganito ko i-ni-imagine ang magiging debut ko noong bata ako. That everything should be perfect.Paborito ko ang kulay violet kaya dapat ay lahat ng makikita ko sa paligid ay ganoon ang kulay. At ito na nga iyon, tinupad na. Ang mga telang nakasabit mula sa kisame ay parang ambon ng ulap, parang ang sarap pisil-pisilin dahil sa lambot nito. Sumasabay din sa hangin ang mga galaw nito. May mga kulay ube din na pailaw, sinadyang kinalat sa paligid. Nagmistula silang bituing mula sa langit, na napadpad dito sa lupa. Tuloy, buhay na buhay ang dating ng paligid. Mula sa cake, mga balot ng pagkain, mesa, at pati ang mga kasuotan ng mga bisita, lahat kulay ube na. Hindi mo iisipin na ang dinisenyuhang venue ay isang basketball court lang dito sa amin kung saan laging ginaganap ang mga liga. Now, it looked like something out of a dream.Sobrang linis ng sahig. It covered with something smooth. Ni hindi ko makita ang dating ayos nito na magulo at may karumihan. The tables there were setup
Terakhir Diperbarui : 2025-09-23 Baca selengkapnya