Isang malakas na sampal mula kay Mama ang dumapo sa pisngi ni Renzo. Napayuko ako at agad umakyat ang kaba sa dibdib ko. The force of it left me frozen, unable to react.“Pinagkatiwalaan kita, iho! Tinuring kita na parang anak ko na! Tapos ngayon, sasabihin mong ikaw ang nakabuntis kay Scar?!”Ayaw kong tingnan ang nagagalit na mukha ni Mama. Nakayuko lang ako, nasa likuran lang ni Renzo, na katulad ko ay nakaluhod rin. Boses pa lang ni Mama, hindi na kailangang tingnan sya para malaman kung gaano sya nanggagalaiti sa galit. Again, naiintindihan ko sya. Gusto kong sumabat at akuhin ang sariling kasalanan, sabihin na rin na hindi naman talaga si Renzo ang ama ng pinagbubuntis ko, pero iniisip ko pa lang ang magiging reaction ni Mama, natatakot na ako. “Ikaw naman, Scar,” agad kong naihaon mula sa pagkakayuko ang ulo ko. “Bakit ka bumigay?! Hindi mo man lang ako inisip? Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng mga kamag-anak natin? Na pariwara kang anak?”Bago pa ako makasagot ay naunahan
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-03 อ่านเพิ่มเติม