Habang nasa bakuran sila ni Borgie, nakanaw sa kanila mula sa may pintuan si Argus. Umiinom ng kape ang lalaki at obviously nagbabantay, nakamasid. Sa kabilang bahay naman ay nasa balcony si Morgan, may kausap sa phone pero nanonood din sa ibaba habang walang kapagurang tumatakbo-takbo ang aso at hinahabol si Yelena. Nakagawian nilang gawin ng alaga iyon noon, kapag maaliwalas ang umaga at habang nagpapaaraw. Nagiging matamlay kasi si Borgie kapag hindi nakalalabas at kung sa loob lang ng bahay namamalagi.Nilingon ni Yelena si Argus. He's wearing a white turtleneck sweater, halatang customed-made at casual trousers. Holding the mug at his right, he is leaning against sa door jamb, a little loosely. "Borgie, pasok na tayo sa loob!" tawag niya sa aso na nakalaylay na ang dila. Humabol ito sa kaniya papasok ng bahay. Kaagad na ring pumihit si Argus. Isinara ni Yelena ang pinto. "He is watching you," komento ni Argus mula sa dining table. Pumasok siya ng kitchen at naghugas ng mga ka
Last Updated : 2026-01-27 Read more