"Nakita mo iyon?" Itinuro ni Mark sa nguso ang dalawang luxury cars na nag-aabang kay Yelena sa labas ng hospital. "Huwag na tayong dumagdag at lalong malilito si Yena kung kanino sasama," biro ng lalaki.Umirap si Yaale. "Hindi na dapat nakipag-agawan si Morgan sa attention ni Yelena, annulled na ang kasal nila. Parang hindi alam ng lalaking iyon ang definition ng annulment, ah." Komento niya at nagbukas ng lollipop, isinubo iyon."Believe me, kinausap na namin siya, ilang beses na pero hindi siya nakikinig. Anyway, kung ilalaban niya sa korte ang alibi na wala siyang alam na annulment papers pala ang pinirmahan niya, may chance ba siyang manalo?" tanong ni Mark. "Nalaman ko kay Lito na kinausap niya ang legal team para maghain ng counter affidavit upang ipawalang-bisa ang annulment. Hindi rin namin siya mapwersa dahil karapatan niyang ipaglaban kung ano ang sa tingin niya at pag-aari niya, di ba?""Honestly, 70-30 ang chance, 70 sa kaniya, 30 kay Yelena sakaling umabot sila sa korte.
Last Updated : 2026-02-07 Read more