"Mom, dumating na si Light para sa samples na kukunin for DNA testing," abiso ni Martha.Lumingon si Nathasia at pinagulong ang wheelchair. "Papasukin mo siya rito," sabi ng ginang.Lumitaw mula sa may pintuan ang matangkad na lalaking mestiso at nasa ulo ang dark eyeglasses. Sa unang tingin ay pagkakamalan itong modelo na nakapaskil sa mga exclusives magazines. "Kumusta, Mom?" Maginoo itong dumukwang at nagmano saka hinagkan sa noo si Nathasia. "Okay lang ako, nasa treatment ako ngayon para sa mga binti ko." Ngumiti ang ginang. "Ikaw, kumusta na? Ang mga magulang mo?""Nasa ibang bansa sina Daddy at Mommy, I handle most of the company's operations now." Bumababa ang titig ni Light sa mga binti ng biyenan. "Nabalitaan ko kay Jeremy na magaling ang doctor na nakuha n'yo para sa treatment." "Oo, si Yelena Armadda, kilala mo ba siya? Gumawa siya ng gamot para sa cancer," banaag ang pagmamalaki sa boses ni Nathasia.Nagkatinginan sina Martha at Light. Saka tumango ang lalaki. "I heard
อ่านเพิ่มเติม