Pasado alas-dos ng madaling araw ay nasa highway pa si Argus, binabagtas ang central lane patungo sa Capital King."Boss, may sumusunod sa atin," sabi ni Rolly."I know, speed up," utos niya.Binilisan ng bodyguard ang pagpapatakbo ng sasakyan. Humabol din ang kotse na nakabuntot sa kanila. Pagdating ng intersection, may van na sumulpot at humarang. Mariing tinapakan ni Rolly ang preno.Si Argus naman ay kinuha sa pocket ng upuan ang service gun at ikinasa. Bumunot na rin ng dalawang 45 caliber si Rolly. Saktong yumuko silang dalawa ay nagtalbugan ang bala sa windshield ng bullet proof car."Release the lock," utos niya sa bodyguard.Ni-lease ni Rolly ang lock ng pinto ng sasakyan. Binuksan niya ang bintana pero bago pa siya nagpaputok ay inulan ng ng bala ang van at ang kotseng nasa likuran nila. Javier and Brian's team arrived just on time."Call the authority, let them take over. Brian, handle the situation," nagsalita siya mula sa naka-activate na earpiece."Copy that, Boss."Umali
Magbasa pa