Pilit huminahon si Nova at nilakasan ang loob. Isa na siyang Villegas ngayon. Hindi siya basta-basta magagalaw ni Morgan at Rosela. Isa pa, may hawak siyang alas laban sa kaniyang biyenan. Oras na nilabas niya iyon sa media, ma-i-eskandalo ng husto ang buong angkan."Ma, hindi natin masisisi si Nova kung nagsinungaling siya at itinago sa atin ang totoo." Namagitan si Corie at lihim na napangiti si Nova."Do you really believe her story about being raped?" Morgan interrupted. "After everything she did, lahat ng kasinungalingan at panloloko niya, palagay ninyo may totoo pa sa kaniyang sinasabi?""Morgan-""Spare me from your lies, Nova. Hindi na ako maniniwala pa sa iyo. Ngayong malinaw nang hindi ko anak iyang bata, wag mo nang ipagpilitan na panagutan kita. Kung itutuloy mo iyan o hindi, wala akong pakialam, pero tiyakin mo lang na hindi madadamay sa kahihiyan ang pamilyang ito," matigas na babala ng lalaki at bumaling kay Rosela. "Grandma, I will take you back to your room. Natawagan
Read more