"Give me the phone, Brian..." kalmado pero may panganib sa tono ni Argus. Tumulis ang nguso ni Yelena. It's just a call and her husband is trying to boss around. "Brian, akin na ang phone." Natuliro ang bodyguard kung sino ang susundin pero bandang huli ay lumapit ito sa kinatatayuan niya at ibinigay ang cellphone. Aba, dapat lang, telepono niya iyon. "Thank you," binigyan niya ng magiliw na ngiti ang lalaki.Mula sa kinaroroonan ni Argus ay dumagundong ang marahas na tikhim. Gamit ang hintuturo, seneyasan nito si Brian na lumapit. Napakamot sa batok ang bodyguard at atubiling naglakad. Sumunod si Yelena rito."Pasensya na, Boss, alam ko kasing titiklop ka rin naman kay Doc kapag nagalit siya, eh. Takot ka nga sa kaniya, ako pa ba ang hindi?" Nagpaliwanag si Brian."I haven't said anything yet, gago ka!" tiim-bagang na binatukan ito ni Argus habang namumula ang mga tainga ng lalaki. Si Rolly sa isang tabi ay pigil-pigil ang halakhak. Binalingan naman ni Yelena ang cellphone at ni-
Read more