"Bobo talaga siya, ano?" bulong ni Yaale. Umiling si Yelena, indikasyon na wag na patulan si Nova. Pero as usual, walang balak ang babae na tigilan sila. Bumaba ang paningin nito sa kaniyang tiyan at tumikwas ang kilay."May kaagaw na iyang anak mo sa daddy niya, okay lang ba sa iyo?" sarcastic nitong tanong."Concern ka sa anak ko?" Kunwari at nagulat siya. "Nga pala, ano? Kayo ba ang nag-send ng picture ni Argus na may kasamang buntis? Naku, wag mong alalahanin ang anak ko, kahit may kaagaw pa siya sa daddy niya, ang importante hindi siya ang nang-agaw."Pinagtawanan siya ni Nova. "Nagtataka lang ako, sino ba talaga ang ama ng anak mo? For sure hindi si Morgan kasi kung siya ang tatay niyan malamang matagal na siyang nagpa-presscon para ipaalam sa media. Hindi rin si Argus ang ama ng bata, kasi kung siya, bakit nasa ibang bansa siya ngayon at ibang babae ang sinamahan sa prenatal?""On the surface, she always appears pure and innocent, but behind the scenes, she has so many men," p
Read more