Natatawa si Yelena pagpasok ng sala dahil nakalatag sa mahabang mesa ang infant supplies. Sa sahig ay may large items din gaya ng strollers, cribs, changing tables at dose-dosenang mga sapatos at caps. May piles din ng baby clothes. Sa tingin niya ay aabot ng twenty items ang naroon. "What are you planning to do with this, Grandma?" tanong ni Argus na binitbit ang jewelry box. Laman niyon ang mga alahas na minsan lamang naisusuot ng matandang babae."Ibibigay ko kay Yelena!" Hinablot iyon ni Lola Ale at lumapit ito sa kaniya. "Alam kong nag-aalala ka sa kalusugan ni Myrna. Ako na ang bahala sa mga gamit ng bata, mag-focus ka sa treatment niya." "Grandma, everything is ready. The nanny, the nutritionist, the hospital, the surgeon. I have prepared them in advance." Napamulagat siya at bumaling kay Argus. "Talaga? Kailan pa?" "During your first trimester, I worked it out. By the way, it seems like the old lady of the house is going to give you her entire fortune," biro ng lalaki.Nan
Read more