Nabalot ng pagdududa si Yelena, naghintay na sasagot pa ang ka-chat niya sa phone pero tahimik na iyon. Umahon siya sa couch at akmang lalapitan si Argus para sabihin ang tungkol sa chat. Pero tumunog ang cellphone. Tawag galing kay Jeremy. Hinamig niya ang sarili at kalmadong sumagot. "Kuya?" "Kumusta ka na?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng kapatid niya. "Bukas na ang charity ball, makakadalo ka ba?" Hindi agad nakaimik si Yelena. Halos nakalimutan niya ang tungkol sa charity ball. Pero bukas din lalabas ang resulta ng analysis ng kaniyang team. "Kuya, bukas kasi lalabas ang resulta ng analysis at gagawa pa ako ng antidote. It requires ample time," sagot niyang medyo nag-hesitate. Alam niyang nilo-look forward ng mommy nila ang charity ball at gusto nitong naroon siya. "I understand, don't worry pwede ka namang humabol. Just tell me and I will pick you up, okay?" "Thank you, Kuya, please tell Mom I will find sometime to visit her." "Sasabihin ko, mag-iingat ka riyan at alagaan
Baca selengkapnya