Celina’s POV Mainit ang sikat ng araw sa malawak na bulwagan ng Zubiri Mansion, ngunit malamig ang hanging bumabalot sa dibdib ni Stefanie. Ang bawat yapak niya sa marmol na sahig ay tila kumakalansing sa katahimikan ng buong lugar. Sa gitna ng bulwagan, naroon ang mahahabang upuan na inihanda para sa pamilya at ilang piling empleyado. Sa harap, nakaupo ang abogado ng pamilya, si Atty. Delgado Reyes, seryoso at walang bahid ng emosyon. Nasa gilid si Adrian, nakatayo, matikas at tila hindi apektado, ngunit kilala ni Stefanie ang anyo ng binata kapag nagtatago ito ng kaba. Sa likod, si Uncle Ricardo ay nakaupo, may ngiti ngunit matalim ang mga mata, parang pating na naghihintay sa tamang oras para umatake. Ang ibang kamag-anak—mga pinsan, tiya, at pamangkin—ay bulungan nang bulungan, parang nag-aabang ng drama sa isang pelikula. “Stefanie…” tawag ni Doña Beatriz nang mahina habang sinasamahan si Stefanie ng isang kasambahay papasok. “Huwag kang matakot. I want you here. I insist.” Ng
Last Updated : 2025-09-13 Read more