(Doña’s POV) Madaling-araw pa lang, gising na ako. At sa edad kong ito, hindi na rin naman ako umaasa sa mahimbing na tulog. Ang totoo, natutuwa ako sa katahimikan ng umaga. Yung tipong walang kumakaripas na yabag ng mga pamangkin ko, walang alingasngas ng mga kusinero, at higit sa lahat, wala pang gulo. Pero ngayong umagang ito, kahit hindi ko sila nakikita, ramdam ko ang bagyong paparating. Stefanie. Adrian. Alam ko. Hindi nila kayang itago. Pagpunta ko sa Dining Hall ay sinalubong agad ako. “Doña, gusto niyo na po bang magsimula ng kape?” tanong ng isa sa mga maid. Tumango lang ako, habang naupo sa high-backed chair ko sa dulo ng mesa. Ang mga plato’t kubyertos ay kumikislap sa ilalim ng chandelier, pero wala pa ring laman. Para bang ang lamesa mismo’y nag-aantay ng drama. At hindi nga nagtagal, dumating ang drama. Pumapasok si Adrian mula sa kaliwa, mabilis ang lakad, mahigpit ang panga. Sa kanan naman, si Stefanie, halatang sinusubukan maging composed pero hindi maitago a
Huling Na-update : 2025-09-07 Magbasa pa