THIRD PERSON:Matapos ang ilang oras ng tawanan, kulay, at kwentuhan, natapos din ang programa—tagumpay na tagumpay. Halos hindi mabura ang mga ngiti sa mga labi ng mga bata habang ipinapakita nila ang kani-kanilang mga likhang sining. May ilan pang nagtakbuhan kay Althea at sa kanyang grupo, sabay-sabay na nagsisigaw ng, “Salamat po, at Ma’am Althea!”Napatingin siya sa paligid—mga bata, magulang, at guro, pawang masaya at punô ng inspirasyon. Ramdam niya ang init ng komunidad, ang saya na parang unti-unting pumupuno sa isang bahagi ng puso niyang matagal nang tahimik.Si Silas naman ay nakatayo sa di kalayuan, nakangiti habang pinagmamasdan ang lahat. Naramdaman ni Althea ang mga mata nito, ngunit hindi niya agad nagawang umiwas. Sa halip, napangiti rin siya—isang ngiting totoo, magaan, at tila may kasamang pasasalamat.Lumapit sina Carlo at Jasmine, bitbit pa rin ang mga gamit. “Mukhang nag-enjoy ang madam natin, ah,” biro ni Carlo habang marahang tinapik si Althea sa balikat.“Hin
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-08 อ่านเพิ่มเติม