THIRD PERSON: Nagising si Althea sa maliliit na dampi ng labi ni Silas sa kanyang pisngi, noo, at ilong. “Hmmm…” mahina niyang ungol sabay yakap dito, halos hindi pa mulat ang mga mata. “Good morning,” nakangiting bati ni Silas, habang patuloy pa rin sa marahang paghalik sa kanya. Ngumiti si Althea at bahagyang umangat para abutin ang labi nito. “Good morning,” mahina niyang sagot, sabay halik na puno ng lambing. Hinaplos ni Silas ang kanyang pisngi, pinasadahan ng hinlalaki ang gilid ng kanyang labi, bago nagsalita. “May ipapapirma lang ako sa’yo,” sabi nito, sabay abot ng ilang papeles na nasa bedside table. Napakunot-noo si Althea. “Papeles?” “Hmm,” sagot ni Silas, pilit na pinipigilan ang ngiti. Kinuha niya iyon, binuklat, at halos mapatalon sa nakita. “Silas… papeles ito ng kasal!” “Exactly,” nakangiting sagot ni Silas, nakasandal pa sa headboard, parang wala lang. “Ha?!” Napatingin siya dito, gulat na gulat. Bahagyang tumango si Silas, nakatitig lang sa kanya na
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-17 อ่านเพิ่มเติม