THIRD PERSON:“Gov,” panimula nito, may bigat ang boses, “nakuha na po namin ang labi nina Orkan at Romulde.”Tila walang emosyon ang ipinakitang reaksiyon ni Silas. Tahimik siyang nakaupo, nakatingin sa malawak na tanawin sa bintana. “Mabuti naman kung ganon,” mahina niyang sagot, walang halatang interes.Ngunit hindi nakatakas ang mata ni Dela Vega sa ekspresyon nito. Lumapit siya ng kaunti, bahagyang bumaba ang tono at nagdagdag ng diin sa bawat salita. “Mukhang malinis sana ang pagkakaligpit sa dalawa kung sumuko kami sa paghahanap sa kanila,” sabi ni Hepe, tila nagpapatama sa kanyang pahayag, sabay sulyap sa mukha ni Silas.Bahagya lamang nag-kumpas ng kamay si Silas, tila walang imik sa damdamin, ngunit sa kanyang mga mata ay may kakaibang lamig at lihim na kalakasan. “Sigurado po ba kayong walang kinalaman ang mga taga-politika dito?” tanong ni Dela Vega, may halong inis at kutob.“Alam mo, Dela Vega,” mahinang panimula ni Silas, dahan-dahan siyang tumayo, matalim ngunit kont
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-14 อ่านเพิ่มเติม