THIRD PERSON:Sa loob ng abandonadong bodega, tanging mahinang ihip ng hangin ang maririnig.Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa mga flash light ng tauhan ni Silas ang nagbibigay liwanag sa gitna ng gabing iyon. Sa sahig, nakaluhod ang lalaking umatake kay Althea—duguan, nanginginig, at nakatali ang kamay sa likod.Nakatayo si Lucas nang tuwid, malamig ang mga mata, habang mahigpit na nakapulupot ang mga kamay ng dalawang tauhan sa lalaking nagpupumiglas.“Mukhang mali ata ang inatake mo, bata,” malamig na sabi ni Lucas, nakapamulsa, nakayuko habang pinagmamasdan ang lalaki.“Mga hayop kayo!” sigaw ng lalaki, nanginginig ang tinig. “Pinatay ng Silas na ’yan ang kapatid ko!”Bahagyang ngumisi si Lucas, “Hmm… alin ba doon ang kapatid mo?” aniya, lumapit at marahang tinapik ang pisngi ng lalaki. “’Yung nang-rape? O ’yung pumatay ng inosente?”Natahimik ang lalaki. Napayuko, nanginginig ang panga, hindi makasagot.“Tang ina mo, sumagot ka!” sigaw ni Lucas, sabay hawak ng mahigpit sa
Last Updated : 2025-10-19 Read more