“Aw! Aray, dahan-dahan naman please,” mahinhing pakiusap ni Bea kay Khaleb habang ginagamot ang kanyang sugat.“Oh, sorry, medyo malalim kasi ang sugat e kaya kailangang linisin ng maayos.”Naaliw naman ang magkaibigang panoorin ang dalawang bagets na naggagamutan ng sugat.“Hmmm Khaleb my dear dahan-dahan sa kamay ni Bea, ginto yan, kailangang ingatan,” paalala ni Cleo. “Alam mo bagay sila besh,” bulong niya kay Loraine. “Tama ka d’yan,” sang-ayon naman ni Loraine.“Ano, let’s match them?”“Gagi, nag-aaral pa si Bea.”“Hay ito naman overthink. Hindi naman agad sila mag-chu-chukchak e. Tweetums lang ganon, puppy love ganyan.”“Hay basta, patapusin muna natin si Bea. Alam mong matalino ang batang yan at malayo ang mararating,” katwiran ni Loraine.“Sus, if I know siya ang outlet ng frustration mo. Ikaw naman kasi hindi mo pa ipinaglaban ang design mo e.” Ipinaalala pa nga sa kanya ni Loraine ang napaka-unfair judgement sa kanya ng school na pinasukan niya. She was taking up Architect
Terakhir Diperbarui : 2025-09-04 Baca selengkapnya